Notoryus Wanted Person ng Isabela, Timbog

21
Cauayan City, Isabela- Nahuli na ang Top 1 Most Wanted Person ng PNP at itinuturing na notoryus na wanted sa batas sa buong lalawigan ng Isabela.

Ayon sa Isabela Police Provincial Office, kinilala ang wanted na si Joshua Paguyo, 25-anyos, magsasaka at residente ng Brgy Dalakipo, Angadanan, Isabela.

Dinakip si Paguyo ng pinagsanib na mga tauhan ng Angadanan Police Station, Regional Intelligence Unit 2 at Isabela Provincial Intelligence Team sa kanilang lugar dakong 1:45 ng hapon noong June 14, 2022.

Ang pag aresto kay Paguyo ay sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Ariel Managuelod Palce ng RTC Branch 40 Cauayan, City, Isabela dahil sa kasong Rape at paglabag sa Child Abuse Law.

Nasa kustodiya na ng PNP Angadanan ang lalaki para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments