OCTA, naniniwalang ang WHO lamang ang makapagsasabi na wala nang pandemya

Tanging ang World Health Organization (WHO) lamang ang makapagsasabi na wala nang nararanasang pandemya sa mundo.

Ito ang pananaw ni Dr. Guido David ng OCTA Research team kung saan sa puntong iyon din ay maaari nang tanggalin ang alert level systems na ipinatutupad sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang na ang Pilipinas.

Ayon kay Dr. David ang alert level system kasi ay kinakailangang ipatupad sa isang bansa lalo na kung nasa ilalim ito ng State of Emergency o State of Pandemic.


Kung kaya’t hangga’t wala pang deklarasyon ang WHO na nakaraos na tayo sa pandemya ay hindi pa dapat tanggalin ang alert level system na pinaiiral sa bansa.

Facebook Comments