OFWs sa Hong Kong, inalerto sa posibleng aftershock ng lindol doon

Inalerto ng Filipino community ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong kasunod ng nangyaring lindol doon kaninang madaling araw.

Inabisuhan ng Filipino community ang kanilang mga kapwa Pinoy na maging alerto sa posibleng aftershocks.

Pinaalalahanan din ang OFWs na gawin lamang ang mga itinuro sa earthquake drill sakaling magkaroon ng aftershocks.


Naitala ang epicenter ng lindol sa 92 kilometers ng east-northeast ng Hong Kong.

Facebook Comments