OIL PRICE ROLL BACK, AASAHAN BUKAS MATAPOS ANGILANG LINGGONG OIL PRICE HIKE

‎Aasahan ang posibleng bagong oil price roll back bukas, August 4, 2026, matapos ang limang sunod na linggo ng oil price hike na naranasan ng mga motorista.

‎Inaasahang magkakaroon ng P0.50/L-P1/L ang pagbaba sa presyo ng diesel at gasolina habang P1.50/L-P2.00/L naman sa kerosene.

‎Ang nasabing rollback sa presyo ay dahil sa paggalaw ng presyo ng langis sa world market.

‎Gayunman, limitado pa rin umano ang daloy ng mga oil tanker sa Strait of Hormuz at muling paglala ng tensyon sa Middle East.

‎Matatandaang nitong Lunes, Hulyo 27, ipinatupad ang big-time oil price hike kung saan tumaas ng ₱7.32 kada litro ang diesel at ₱6.80 kada litro ang gasolina.

‎Patuloy namang pinapayuhan ang mga motorista na bantayan ang susunod na anunsyo ng mga kumpanya ng langis hinggil sa opisyal na pagpapatupad ng inaasahang rollback. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments