
Walang nakitang pagkakaiba si Executive Secretary Ralph Recto sa testimonya ni dating Senador Antonio Trillanes IV at sa report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na iniharap sa House Committee on Justice.
Ayon kay Recto, nagtugma ang mga detalye sa testimonya ni Trillanes at sa dokumento ng AMLC, lalo na sa mga account, halaga, at bank transactions na iniuugnay kay VP Sara Duterte at sa kanyang asawa.
Pareho aniyang nabanggit ng AMLC at ni Trillanes ang mga bank account na sangkot, pati ang petsa, halaga, at galaw ng pera kung paano ito pumasok at lumabas sa mga account.
Dagdag ni Recto, ang hindi lamang niya alam ay ang paratang ng Bise Presidente na may basbas umano ng Malacañang ang pagharap ni Trillanes sa pagdinig ng Kongreso.
Facebook Comments










