Saturday, April 18, 2026

Ombudsman, nag-isyu ng show cause order vs Asst. Prosecutor Quilala kaugnay sa mga isiniwalat ni  Madriaga; alegasyon kay Martires, isasalang sa internal discussion

Inisyuhan ng show cause order ng Office of the Ombudsman si Assistant Special Prosecutor Ryan Rey Quilala, kaugnay sa mga isiniwalat ni Ramil Madriaga, na nagpakilalang umano’y dating “bagman” ni Vice President Sara Duterte sa House Justice Committee.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na  ang pag-iisyu ng  show cause order ay bahagi ng proseso upang hingin ang  paliwanag ni Quilala.

Ani Clavano, mayroon silang Internal Affairs Board na magkaroon mag-iimbestiga sa alegasyon ni Madriaga.

Layon rin aniya nito na mapanatili ang integridad ng anti-graft court lalo na at seryoso ang alegasyon kay Quilala.

Batay sa alegasyon ni Madriaga, personal siyang naghatid umano ng pera kay Quilala sa Office of the Ombudsman.

Maging si Ombudsman Samuel Martires ay hinatiran din umano niya ng pera sa utos umano noon ni  Vice President Duterte o ng kaniyang ama na si dating  Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay Clavano, sa ngayon ay may internal discussion sa Office of the Ombudsman  patungkol naman sa alegasyon ni Madriaga laban kay Ombudsman Samuel Martires. 

Isiniwalat ni Madriaga sa kaniyang supplemental affidavit na noong December 2022, dalawang bag ng pera na nagkakahalaga ng P35 million  ang inihatid niya sa parking lot ng Office of the Ombudsman na noon ay pinamumunuan ni Martires.

Facebook Comments