Oplan Tabang ng Radio Mindanao Network, muling aarangkada para tumulong sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly

75

Muling magkakasa ang Radio Mindanao Network (RMN) Foundation katuwang ang mga lahat ng himpilan nito sa buong bansa ng “Oplan Tabang”.

Layon ng “Oplan Tabang” ng RMN na mabigyan ng tulong ang mga kababayan natin na lubos na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Rolly partikular sa Bicol Region.


Para sa inyong cash donation, maaaring ideposito sa account name: RMN Foundation Inc.

Ipadala ito sa UCPB current account number: 2013-4000-5360 at sa BPI account number na 0071-1015-25

Pwede ding ipadala ang inyong mga donasyon gaya ng damit, tubig, pagkain o de lata at pangsilong sa mga nawalan ng tahanan sa DZXL 558 Radyo Trabaho, 4th floor, Guadalupe Commercial Complex, EDSA Makati City o sa iba’t ibang himpilan ng RMN sa buong bansa.

Maaari ring makipag-ugnayan sa www.rmn.ph/foundation o sa FB.com/RMNFoundationPH at hanapin si RMN Foundatin Head Ms. Rhoda Navarro.




Facebook Comments