
Tumanggi si Vice President Sara Duterte na ipa-inhibit ang senator-judges na inindorso niya sa nakalipas na halalan.
Sa kanyang press conference sa Davao City, sinabi ni VP Sara na kung mayroon mang dapat ipa-inhibit sa impeachment case laban sa kanya, hindi lamang aniya ang senator-judges na kaalyado ng kanilang pamilya.
Ayon sa pangalawang pangulo, dapat ding ipa-inhibit ang senator-judges na bias laban sa kanya tulad ni senator-judge Risa Hontiveros na nagbitaw ng pahayag na dapat wasakin ang pamilya Duterte.
Idinagdag ni VP Sara na dapat bumoto nang patas ang senator-judges at base sa kanilang sinumpaan.
Facebook Comments