P120K HALAGA NG MARIJUANA NASABAT SA ISANG NURSING STUDENT SA POZZORUBIO

26
Arestado ang isang nursing student sa pagbebenta umano ng marijuana sa Brgy. Bobonan Pozorrubio, Pangasinan sa isinagawang buy bust operation ng pulisya kasama ang PDEA at drug enforcement unit kaninang madaling araw.
Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Ayramay Deanne Scanlanan, 24 anyos, residente sa lungsod ng Baguio.
Nakumpiska sa suspek ang isang kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng 120,000 kasama ang dalawang piraso ng ecstasy, at buy bust money.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Pozzorubio Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.|ifmnews
Facebook Comments