Tuguegarao City, Nasa “Moderate Risk” na sa COVID-19

38
Cauayan City, Isabela- Nasa β€˜Moderate Risk’ na sa COVID-19 ang Tuguegarao City.

Ayon kay Dr. Nica Taloma ng DOH Region 2, isinailalim sa Moderate Risk Epidemic Risk Classification ang Tuguegarao City base ito sa pinakahuling datos nila nitong January 3, 2022.

Katumbas na ito ng Alert Level 3.

Ang paglalagay sa Alert Status ng Tuguegarao City ay base sa naging assessment ng DOH Region 2 na nakadepende sa datos.

Ito ay dahil sa pagtaas ng Average Daily Attack Rate ng Tuguegarao City sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa pinakahuling datos ng DOH Region 2, mayroong 27 active cases ng COVID-19 ang Lungsod ng Tuguegarao na pinakamarami sa rehiyon.

Facebook Comments