
Posibleng maapektuhan ng ipinapanukalang malakihang wage increase ang interes ng mga potensiyal na mamumuhunan sa bansa.
Ito ang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasunod ng paglusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ng P200 dagdag-sahod ng mga manggagawang kumikita ng minimum kada araw.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, posibleng hindi na tumuloy ang ilang investors o kaya ay hindi na palawigin ng ibang namumuhunan na sa bansa ang kanilang negosyo dahil mahahati sa Kongreso at Regional Wage Boards ang desisyon ng pagtatakda ng sahod.
Sa ngayon ay hindi pa raw nila nakikita ang Bicameral version ng Minimum Wage Bill kaya hindi pa nila tiyak kung ano ang magiging tungkulin ng DOLE at Reginal Tripartite Wages and Productivity Board.
Wala pa rin silang ideya kung paano ang magiging minimum wage adjustments sakaling tuluyan itong maipasa.