
Tuluyan nang ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist.
Ito ay matapos maglabas ang Comelec En Banc ng desisyon kaugnay sa petisyon na humihiling na i-disqualify ang party-list.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, final and executory na ang desisyon ng En Banc na ibasura ang kaso dahil wala nang inilabas na temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema.
Ipinadi-disqualify ni Atty. Russel Geronimo ang Bagong Henerasyon partylist dahil sa paglabag sa bahagi ng Omnibus Election Code partikular sa partisan political activity.
Ito ang dahilan kung bakit hindi sila nakasabay sa proklamasyon ng mga nanalong party-list groups.
Pero ayon kay Garcia, posibleng maiproklama na sa susunod na linggo ang Bagong Henerasyon na may isang seat na nakuha nitong halalan.
Sa ngayon, ang Duterte Youth Party-list na lang ang hindi pa naipoporoklama dahil sa kinakaharap na petition for disqualification.