P200 na ayuda kada buwan, hindi sapat para sa isang senador

Mula sa 11 linggong sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at kakarampot para kay Senator Grace Poe ang P200 kada buwan na ayuda para sa ating mahihirap na pamilya.

Paliwanag ni Poe, sa halagang P6.66 kada araw, hindi man lang ito sasapat para sa isang sakay sa dyip.

Giit ni Poe, karapat-dapat tumanggap ang taumbayan ng higit pa rito sa gitna ng hagupit ng paglaki ng mga bayarin, kawalan ng trabaho at patuloy na epekto ng pandemya.


Diin ni Poe, hindi dapat tipirin ng gobyerno ang pagbibigay ng tulong sa mamamayan upang mapakain nila ang kanilang mga pamilya, makapamuhay ng marangal, makabalik sa hanapbuhay nang ligtas at mapanumbalik ang sigla ng ekonomiya.

Dahil dito ay umaasa si Poe na ang panukalang pagsuspinde sa excise tax ay maikokonsidera pa rin para mapababa ang halaga ng petrolyo.

Facebook Comments