Pag-aaral ng WHO hinggil sa Deltacron variant, inaantabayan pa ng pamahalaan

Nakabantay ang pamahalaan sa ilalabas na guidelines o abiso ng World Health Organization (WHO) kaugnay sa na-detect na Deltacron sa 17 COVID-19 patients sa Estados Unidos at Europa.

Lumalabas kasi sa mga inisyal na pag-aaral na ang Deltacron ay mayroong magkasamang genes ng Delta at Omicron variant.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Secretary Fancisco Duque III na sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na characterization o katangian ang Deltacron na ito.


Nakatutok aniya ang Philippine Genome Center (PGC) sa mga pag-aaral na isinasagawa para dito.

Sila naman aniya sa Department of Health (DOH) ay nakabantay rin sa mga development upang makapaghanda ang bansa, saka-sakaling tukuyin ng WHO na seryosong banta ang Deltacron.

Facebook Comments