Pag-aresto kay FPRRD, nag-trigger kay VP Sara para lumabas sa publiko

Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nag-iikot siya ngayon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay VP Sara, kailangan niyang magpasalamat sa mga Pilipino sa patuloy na suporta nito at sa harap ng panawagang iuwi na sa Pilipinas ang dating pangulo.

Wala rin aniya sana siyang balak lumabas sa publiko, pero na-trigger aniya siya sa iligal na pag-turn over sa kanyang ama sa dayuhan.

Sa ngayon, inuunang ikutin ni VP Sara ang Visayas at sunod niya aniyang pupuntahan ang iba pang bahagi ng Mindanao.

Facebook Comments