Pagkakasama ng WPS sa Google Maps, makatutulong sa pagkilala ng buong mundo sa maritime entitlement ng Pilipinas —Malacañang

Welcome sa Malacañang ang pagkakasama ng West Philippine Sea (WPS) sa Google Maps.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sinasalamin ng inisyatibong ito ang lumalawak na pagtanggap sa WPS bilang bahagi ng teritoryo, karapatan, at hurisdiksyon ng Pilipinas.

Alinsunod na rin aniya ito sa itinatakda ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 South China Sea Arbitral Award na una nang naipanalo ng Maynila kontra Beijing.

Dagdag pa ni Castro, isa rin itong pagkilala sa prerogative ng pamahalaan, na kilalanin at pangalanan ang maritime zones ng bansa, na magtutulak pa sa pagiging consistent sa paggamit ng international community sa WPS bilang pangalan nito.

Ang National Maritime Council (NCM), una nang siniguro na patuloy nilang puprotektahan ang interes at maritime territory ng Pilipinas.

Facebook Comments