
Para kay Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel, ang ginagawa ni Vice President Sara Duterte na pag-endorso ng ilang kandidato sa pagkasenador ay isang desperadong hakbang para maisalba ang sarili sa impeachment trial.
Ayon kay Manuel, kumikilos na si VP Sara para sa target niyang sapat na bilang ng mga senador na tatayong judge at boboto para ma-convict o mag-abswelto sya sa kinakaharap na impeachment case.
Sinabi ni Manuel na oras na ma-convict si VP Sara sa impeachment trial ay matatapos na ang karera nito sa politika.
Facebook Comments