Pag-iisyu ng passport ng Philippine Embassy sa Qatar, dadaanin sa staggered basis bilang pag-iingat sa COVID-19

Gagawin nang staggered basis ang pag-iisyu ng passport ng Philippine Embassy sa Qatar.

Layon nito na maiwasan ang maraming tao sa loob ng embahada.

Ito ay bilang pagsunod sa precautionary measures ng Qatari Government bilang pag-iingat sa COVID-19.


Bunga nito, naka-schedule na ang pag-release ng passport at ito ay nakabase sa apelyido.

Halimbawa na lamang kapag araw ng Linggo ay ang mga apelyido na nagsisimula sa A, B, at C, Lunes ay D, E, F, at G, Martes ay H, I, J, K, L, at M, kada Miyerkules naman ay N, O, P, Q, R, at S habang kada Huwebes ay T, U, V, W, X, Y, at Z.

Facebook Comments