Pag-ulang dulot ng Habagat, hindi nakadagdag sa lebel ng tubig ng Angat Dam ayon sa PAGASA

Hindi nagdulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam ang pag-ulang dala ng hanging habagat.

Batay sa update ng PAGASA Hydrometeorology Division, kaninang alas-6:00 ng umaga ay nasa 178.03 meters ang lebel tubig sa Angat Dam.

Courtesy: PAGASA-DOST

Nabawasan pa ito ng 18 centimeters kumpara sa naitala kahapon na 178.21 meters.

Mas mababa pa rin ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.

Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig sa La Mesa dam, Ambuklao, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.

Bahagya namang nadagdagan ang lebel ng tubig sa Ipo, at Binga Dam.

Facebook Comments