Mariing kinondena ng Embahada ng Tsina ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa umano’y panggigipit sa isang Chinese research vessel na nagsasagawa ng operasyon sa mga karagatang saklaw ng hurisdiksyon ng Beijing.
Giit ng Tsina, ang operasyon ng kanilang barko ay alinsunod sa UNCLOS at pandaigdigang batas, habang ang ginawa ng Pilipinas ay lumalabag sa kanilang mga soberanong karapatan at naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan.
Ipinahayag ni Deputy Spokesperson Guo Wei na patuloy na magpapatupad ang Tsina ng mga desididong hakbang upang protektahan ang kanilang mga lehitimong interes.
Kasabay nito, nanawagan ang Beijing sa Maynila na pigilan ang mga ahensya nito sa pagpapatupad ng batas at itigil ang mga mapanuksong panghihimasok.
Naglabas na rin ng pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas tungkol sa paninindigan nito ngunit patuloy pa rin ang masidhing alitan sa pagitan ng dalawang bansa hinggil sa soberanya at mga aktibidad sa pinagtatalunang karagatan.










