PAGDARAGDAG NG CCTV SA MARABULIG 1, PLANO NGAYONG TAON

Cauayan City – Planong ilunsad ng pamunuan ng Brgy. Marabulig 1 ang pagkakabit ng karagdagang CCTV sa kanilang lugar.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Kagawad Orlando Villa, sinabi nito na malaki ang maitutulong ng karagdagang CCTV upang mabantayan ang sitwasyon sa kanilang barangay.

Aniya, sa kasalukuyan ay sa bahagi lamang ng Purok 2 hanggang sa boundary ng Marabulig 1 at San Fermin ang mayroong nakakabit na CCTV Cameras kaya naman hindi mabantayan ang iba pang sulok ng lugar.

Isa sa nag-udyok sa mga opisyal ng Brgy. Marabulig 1 upang mas gawing prayoridad ang proyektong ito ay dahil kamakailan lamang ay mayroong pinatay na alagang baka sa kanilang lugar.

Sinabi ni Kagawad Villa na sa pamamagitan nito, mas madaling makikita ang mga pangyayari sa lugar, at kung sakali man na mayroong mangyaring insidente ay mas mapapadali ang pagsasagawa ng imbestigasyon.

Facebook Comments