Nakahanda na ang Mapandan Rural Health Unit (RHU) at Lokal na Pamahalaan ng Mapandan para sa Ligtas Tigdas 2026 | Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) with Vitamin A Supplementation, na nakatakdang isagawa mula Agosto 10 hanggang 28, 2026.
Ito ay matapos ang pagpupulong kasama ng mga lider ng barangay at LGU para sa pagbabakuna ng mga batang edad 6 hanggang 59 buwan laban sa tigdas at rubella, kasabay ng pagbibigay ng Vitamin A supplementation.
Ayon sa nakalatag na plano, direktang ihahatid ng Rural Health Unit (RHU) sa bawat barangay ang pagbibigay ng bakuna at Vitamin A.
Sa pagsisimula ng programa sa Agosto 10, tututukan umano ng mga health worker ang mga batang kabilang sa target age group para sa proteksyon laban sa measles at rubella | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









