Ayon kay John Magsano, caretaker ng Roman Catholic Cemetery, sinimulan na nilang pinturahan ang Phase 1 sa kabuuang pitong phase na sakop ng kanilang pangangalaga.
Dagdag ni Magsano, may plano rin ang lokal na simbahan na tambakan at pataasan ang mga bahagi ng sementeryo na nananatiling lubog sa baha.
Samantala, maaga nang dumalaw sa sementeryo si Wilson Ugaban upang dalawin ang kaniyang mga yumaong mahal sa buhay. Nagawa na rin niyang linisin nang bahagya ang puntod ng kaniyang pamilya.
Ayon kay Ugaban, mas mainam na maagang dumalaw at maglinis ng puntod upang maiwasan ang pakikipagsabayan sa dagsa ng mga tao sa mismong Undas.
Sa kasalukuyan, nananatiling masukal at may mga tumutubong halaman sa malaking bahagi ng sementeryo, habang may ilang lugar din na binabaha.
Dahil dito, pinapayuhan ng mga caretaker ang mga kaanak ng mga yumao na maagang linisin o ipalinis ang mga puntod upang maging maayos at malinis ang lugar sa pagbisita sa Undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







