Kinikilala sa naturang parangal ang mga lokal na pamahalaang nagsusulong ng mga programa at inisyatibang nakatuon sa pangangalaga sa mga karapatan, kapakanan at pangkalahatang pag-unlad ng mga bata.
Ang pagkakapasok ng Dagupan sa national shortlist ay bahagi ng National Validation para sa nasabing parangal.
Dumalo sa validation si Dagupan City Mayor Belen Fernandez, kasama ang mga opisyal ng lungsod. Nakiisa rin si Police Colonel Arnold P. Solomon, City Director ng Dagupan City Police Office, kasama ang iba pang lokal na lider.
Ayon pa sa pamahalaang lungsod, sumasalamin ang pagkilalang ito sa patuloy na pagsisikap ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan, kasama ang iba’t ibang sektor at miyembro ng komunidad, upang matiyak ang pangangalaga sa mga karapatan ng mga bata at ang kanilang ligtas at maayos na paglaki.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang pamahalaang lungsod sa mga stakeholder, kawani ng pamahalaan at mamamayang patuloy na sumusuporta sa mga programa upang gawing mas ligtas at child-friendly ang Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








