Pagkakaroon ng kaso ng BA.2.12 Omicron subvariant sa bansa, ikinababahala ni Legarda

Nababahala si House Deputy Speaker Loren Legarda matapos na kumpirmahin kamakailan ng Department of Health na nakapasok na sa bansa ang BA.2.12 Omicron subvariant.

Sabi ni Legarda, patunay ito na anumang oras ay may posibilidad na magpatupad ulit ng lockdown dahil sa banta ng pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19.

Nauna nang sinabi ng Department of Health na mahigit dalawang beses na mas nakakahawa ang BA.2.12 kumpara sa orihinal na Omicron variant pero wala pang mga pag-aaral kung mas nagdudulot ito ng severe at critical cases ng Covid.


Kasunod nito, bilang may-akda at sponsor ng House Bill 6864 o ang Better Normal for the Workplace, Communities and Public Spaces Act, muling iginiit ng senadora ang kahalagahan ng panukala upang matiyak na sinusunod ang mga alituntunin para sa ligtas na bansa.

Facebook Comments