
Inabisuhan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang ilang bahagi ng EDSA dahil kagabi ay sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road reblocking at road repairs dito.
Base sa ipinalabas na abiso ng MMDA, apektado ng pagkukumpuni ng 4th lane mula sa gitna ng EDSA Southbound West Avenue hanggang MRT North Avenue Station maging ang ikaapat na linya mula sa gitna ng EDSA Southbound ng Bansalangin Street hanggang West Avenue.
Paliwanag ng MMDA, magiging ganap na posible daanan ang nasabing mga lansangan pagdating ng alas-5 ng umaga ng Lunes, Enero 20.
Pinapayuhan ngayon ng MMDA ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta sa lugar na itinalaga ng ahensiya.
Facebook Comments