Wednesday, August 12, 2026

PHILIPPINE RED CROSS PANGASINAN CHAPTER, HANDOG ANG HOT MEALS ON WHEELS SA MGA EVACUEES SA DAGUPAN CITY

Sa gitna ng pagsubok, ay siya ring pagdating ng mga taong boluntaryong tumulong gaya na lamang ng mga kinatawan ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter.

Dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng Habagat, Karamihan sa mga barangay sa Dagupan City ay lubog na sa baha, dahilan para lumikas ang mga residente at magtungo sa mga evacuation centers.

Batid ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter ang hamon pagdating sa mga pagkain kapag nasa evacuation centers na kaya hatid nila ang Hot Meals on Wheels sa mga evacuees ng barangay Malued at Bacayao Norte nitong Lunes, August 10,(2026).

Naibsan ang lamig na nararamdaman ng humigit-kumulang 300 na indibidwal dahil sa masarap, masustansiya, at mainit na sopas.

Bukod dito ay nagkaroon rin sila ng orientation sa mga bata through “child-friendly space” at pagbibigay kaalaman tungkol sa Dengue at Leptospirosis.
Namigay rin sila ng mga Doxycycline bilang bahagi ng kanilang health response kasama ang panata na patuloy na magbibigay serbisyo sa panahon ng pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments