Pagpapabakuna laban sa COVID-19, hindi dapat ipagkait ng mga magulang sa kanilang mga anak

Iginiit ni Senator Joel Villanueva, na Kailangan mabakunahan din ang mga batang edad 5 hanggang 11 para maproteksyunan sila laban sa COVID-19.

Kaya naman apela ni Villanueva, sa mga magulang huwag ipagkait sa kanilang mga anak ang pagkakataon na mabakunahan.

Para mahikayat ang mga kapwa nya magulang ay sinamahan ni Villanueva, ang kaniyang dalawang anak na edad siyam at labing isa para tumanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine.


Sinabi ni Villanueva, na importanteng hakbang na mabukanahan ang mga bata mula lima pataas para bumalik ang mga paaralan ng bansa sa face-to-face classes.

Facebook Comments