Pagpapaimbestiga sa mahigit 400 na nanalo sa ₱236 million sa 6/55 lotto nitong sabado, suportado ng Senado

173

Suportado ni Senator Risa Hontiveros ang hakbang ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na imbestigahan ang resulta ng 6/55 Grand Lotto Jackpot kamakailan.

Nitong Sabado, 433 na tumaya ang nanalo at maghahati-hati sa P236 million jackpot prize matapos makuha ang winning combination na 09-45-36-27-18-54.

Ayon kay Hontiveros, nais lamang ng pagsisiyasat na maalis ang duda sa pagiisip ng publiko na ang resulta ng Lotto nitong weekend ay namanipula.


Bagama’t kinikilala aniya nila sa oposisyon na ang mga tao ay tumataya “in patterns”, nais lamang matiyak ng imbestigasyon na ang sistema ng Lotto ay sigurado, walang aberya at mapagkakatiwalaan.

Nauna nang sinabi ni Pimentel na maghahain siya ng resolusyon para ipasilip ang aniya’y “one in a billion” na pagkakataon na makuha ng mahigit 400 bettors ang parehong winning numbers ng Lotto.

Dito ay aalamin at titiyakin ang integridad ng mga authorized gambling activities sa bansa.



Facebook Comments