
Inanunsyo ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na matuturing nang cased solved ang kaso ng pagpatay kay “Mima Alicia” sa Caloocan City noong July 17.
Ayon kay Nartatez, anim na ang tinuturing na mga suspek sa nasabing pamamaslang; tatlo dito ay nasa kustodiya na ng pulisya habang ang tatlo namang iba pa ay nananatiling at large.
Nabatid na ang naunang dalawang suspek ay ang tinuturong gunman at driver, habang ang isa pa na tinuturong middleman ay sumuko sa pulisya noong July 24.
Ayon pa kay Nartatez, tukoy na ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na at large, habang tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng isa.
Nasampahan na ang mga suspek ng mga kasong murder, frustrated murder, at iba pang mga kasong may kinalaman sa nakumpiskang mga baril at granada.
Sa ngayon, nananatiling personal ang motibo ng krimen na may kinalaman sa utang.










