
Kinumpirma ni Office of Civil Defense (OCD) Administraror Undersecretary Ariel Nepomuceno na inalis na ng Regional Task Force Kanlaon ang ban sa pagpasok sa 6 kilometer extended danger zone sa Bulkang Kanlaon.
Dahil dito, pinapayagan na ang entry period sa 6 kilometer danger zone mula alas-6 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Gayunman, nilinaw na ang entry period ay para lang sa mga magsasaka at mga kinatawan ng pamilya na titingin ng kanilang pananim, kabuhayan, at mga bahay.
Sa kabila nito, nagpaalala naman ang OCD sa mga residente na huwag magpakakampante at maging alerto pa rin sa aktibidad ng bulkan.
Samantala, patuloy na pinaplantsa ng OCD at iba pang ahensya ang recovery at development plan sa mga apektado ng pag-aalburuto ng bulkan.
Facebook Comments