Pagproseso sa mga nakuhang ebidensya sa sasakyan na pinaglipatan umano kay Catherine Camilon, hindi pa nasisimulan

Hindi pa naisasailalim sa DNA test ang mga sample na nakuha sa sasakyan na pinaniniwalaang pinaglipatan sa duguang katawan ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Ito ang iginiit ni Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 4A Chief Police Colonel Jacinto Malinao Jr.

Ayon kay Malinao, hindi pa nagbibigay ng sample ang pamilya ng biktima para mapagkumpara ng PNP Forensic Group.


Kabilang sa nakuha sa kulay pulang Honda CRV ay ang 17 piraso ng hibla ng buhok at 13 patak ng dugo.

Maliban dito, walang nakuhang fingerprint sa natagpuang sasakyan dahil nalinis na ito nang matagpuan ng mga awtoridad.

Facebook Comments