225 NA MGA BAGONG PULIS SA WESTERN VISAYAS, NANUMPA NA

Kalibo, Aklan – Nanumpa na ang 225 na mga bagong pulis sa Western Visayas sa Camp General Martin Teofilo Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City, kahapon, Nobyembre 14. Ang nasabing mga pulis ay parte ng 2023 Attrition Recruitment Program. Pinangunahan ni Police Regional Office 6 Director Brigadier General Sidney Villaflor ang nasabing oathtaking. Sa kanyang mensahe, sinabi nito na dapat ingatan ng mga bagong pulis ang kanilang trabaho. Ipinaalala rin niya na iwasan ang mga bagay na makasira sa kanilang karera bilang isang pulis. Umaasa naman ang opisyal na maging committed ang mga bagong pulis, magbigay ng serbisyo sa mga mamamayan at walang dapat pipiliin sa pagpapatupad ng batas.
Facebook Comments