Pagproseso sa mga requirement sa VAT refund, mapadadali na

Magpapatupad na ng mga reporma sa pagkuha ng Value Added Tax refund ayon sa Revenue Memorandum Circular No. 37 na inilabas noong April 10, 2025.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue o BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., layon nitong gawing mas madali at malinaw ang mga hihinging dokumento kapag kukuha ng VAT refund.

Sa ilalim ng bagong sistema, maaari nang magpasa ng mga sertipikadong kopya ng resibo ang mga magpa-file sa halip na orihinal na resibo basta’t sertipikado ang mga ito ng mga awtorisadong opisyal o empleyado.

Kabilang sa mga inalis na documentary requirements ang mga dokumentong magpapatunay na rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) o Department of Trade and Industry (DTI) ang negosyo at mga Kopya ng Import Entry and Internal Revenue Declarations.

Hindi na rin kailangan ang mga dokumentong nagpapatunay ng export of goods o services dahil ang Export Marketing Bureau na ng DTI ang magsisiyasat at mag-iisyu ng certificate sa nag-aapply.

Facebook Comments