Permit to carry firearms sa ika-apat na SONA ni PBBM, suspendido

Bilang bahagi ng mahigpit na seguridad para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa July 28 2025, pansamantalang sinuspinde ng Philippine National Police (PNP) ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence sa buong bansa.

Batay sa abiso ng PTCFOR Secretariat ng PNP, epektibo ang suspensyon mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-11:59 ng hatinggabi sa July 28.

Layon nitong maiwasan ang anumang insidente na maaaring magdulot ng banta sa kapayapaan at kaayusan habang ginaganap ang taunang ulat ng Pangulo sa bayan.

Matatandaang noong SONA 2024, mahigit 22,000 pulis ang ikinalat upang tiyakin ang seguridad sa paligid ng Batasang Pambansa at mga karatig-lugar.

Facebook Comments