Thursday, September 24, 2026

Pagsasampa ng kaso sa mga nagpapakalat bomb threat, pamunuan na ng paaralan ang bahala—MPD

Ipinapaubaya na ng Manila Police District (MPD) sa pamunuan ng mga eskwelahan ang pagsasampa ng kaukulang kaso hinggil sa mga likod ng bomb threat na nagaganap sa Maynila.

Ito’y kasunod ng huling insidente ng bomb threat na naganap sa Far Eastern University (FEU).

Sa panayam kay MPD Spokesperson Police Maj. Philipp Ines, mabilis na rumeresponde ang mga pulis at kanilang tinatapos ang imbestigasyon kung saan kanila lahat itong itini-turn over sa mga pamuanan ng paaralan.

Aniya, natutukoy nila ang mga nasa likod ng mga nagpapakalat at nagsisimula ng bomb threat pero hindi na natutuloy ang pagsampa ng kaso.

Paliwanag pa ni Maj. Ines, mabilis ang nagiging aksyon ng MPD sa anumang insidente bunsod na rin yan ng maayos na pakikipag-ugnayan sa komunidad, mga guro at pamunuan ng paaralan.

Muling ipinapaalala ng MPD na hindi biro ang pagpapakalat ng bomb threat kung saan may mga kaukulang itong parusa gaya ng limang taon pagkakakulong at P40,000 na multa pero maaari pa madagdagan depende sa desisyon ng korte.

Facebook Comments