Pagsisimula ng Simbang Gabi, naging mapayapa – PNP

Generally peaceful ang pagsisimula ng Simbang Gabi sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong araw.

Base ito sa assessement ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, wala silang naitala na anumang untoward incident.


Sinabi pa nito, base sa mga report na galing mismo sa ground ay mas marami ang mga nag-Simbang Gabi ngayong taon kumpara noong nakalipas na taon.

Ito ay dahil mas maluwag na ang quarantine restrictions sa COVID-19 ngayon.

Nabatid na halos 30,000 mga pulis ang ipinakalat ng PNP sa mga simbahan.

Maliban kasi sa police assistance desk ay mayroon ding mga foot at mobile patrol sa mga simbahan na magbabantay ng seguridad ngayong magpa-Pasko.

Facebook Comments