PAGSUNOD SA MINIMUM PUBLIC HEALTH STANDARD, IBINABALA NG POSD CAUAYAN CITY

Cauayan City, Isabela- Mahigpit pa rin na ipapatupad ng tanggapan ng Public Order and Safety Division (POSD) Cauayan City sa mga kandidato ang pagsusuot ng face mask at social distancing.

Ito ay hakbang bilang pagsisimula ng kampanya sa local election ngayong araw, March 25, 2022.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay POSD Chief Ret. Col. Pilarito Mallillin, ang lahat ng kanilang makikitang lalabag sa naturang panuntunan ay kanilang isusumite ang pangalan para sa kaukulang aksyon ng Commission on Election (COMELEC).

Hiling naman nito sa mga political leaders o coordinator na tiyaking nasusunod ang mga naturang mga panuntunan para hindi magkaroon ng problema ang mga pulitikong kanilang sinusuportahan.

Panawagan naman ng opisyal sa publiko na tulungan silang maipatupad ng tama ang pinaiiral na panuntunan at maiwasan ang anumang hindi inaasahang kaparusahan.

Facebook Comments