Pagtanggal sa serbisyo ng Smartmatic, suportado ng isang election watchdog

Suportado ng election watchdog na Mata sa Balota Movement ang direktiba ng Pangulong Duterte sa Comelec na palitan na ang Smartmatic.

 

Anila, nabuhayan sila ng loob dahil sa naturang pahayag ng pangulo.

 

Itinuturing din anila ito ng grupo na tugon ng Pangulong Duterte sa kanilang Open Letter sa presidente na nai-publish sa isang pahayagan noong May 9, 2019.


 

Una nang nagsampa ng mga kaso sa Korte Suprema at Ombudsman ang Mata sa Balota Movement laban sa Comelec at Smartmatic kaugnay ng anilay katiwalian sa proseso ng halalan sa bansa.

Facebook Comments