Pinatunayan ng sama-samang pagkilos ng mga barangay, health workers, partner agencies, at mga residente ang kahalagahan ng disiplina at maayos na sanitasyon matapos opisyal na makamit ng Bayan ng Infanta ang Zero Open Defecation (ZOD) Municipality status.
Iginawad ang pagkilala matapos matagumpay na makapasa ang bayan sa regional validation ng Department of Health–Center for Health Development Region 1 (DOH CHD I), kung saan isinailalim sa masusing pagsusuri ang mga piling barangay upang matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan sa kalinisan at sanitasyon.
Bilang bahagi ng final validation, isinagawa ang transparent na “Fishball Method” kung saan personal na bumunot si Mayor Dr. Virgilio Vallarta ng dalawang barangay na sumailalim sa aktuwal na beripikasyon ng validation team mula sa DOH CHD I at Provincial Health Office.
Sinuri ng mga validator ang pagkakaroon ng functional toilet sa bawat tahanan, malinis na tubig at sabon para sa paghuhugas ng kamay, wastong pagtatapon ng dumi, kalinisan ng kapaligiran, at pagpapatupad ng mga programang nagsusulong ng tamang sanitasyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagkamit ng ZOD status ay sumasalamin sa matagumpay na kooperasyon ng buong komunidad sa pagtataguyod ng isang malinis, ligtas, at mas malusog na kapaligiran para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments