Pahayag ng common law wife ni FPRRD na si Honeylet Avancena tungkol sa paglaganap ng krimen sa bansa, kinastigo ng Palasyo

Ito ang bwelta ng Malacañang sa sarkastikong pahayag ng common law wife ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avancena kung saan bumati ito ng “congratulations” sa pamahalaan dahil sa mga insidente ngayon ng pagdukot at iba pang krimen.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakalulungkot na tila ikinatutuwa pa ni Avancena na may ganitong sitwasyon sa bansa.

Umapela rin si Castro kay Avancena na huwag gawing politikal ang sitwasyon at huwag na sanang magbitiw ng mga ganitong pahayag dahil nakasasakit ito sa damdamin ng mga biktima ng krimen.


Hindi rin naman aniya gugustuhin ng Palasyo, na batiin ng congratulations si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa maraming napatay noong kampanya laban sa iligal na droga.

Tiniyak naman ni Castro na tinututukan na ang kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que, at iba pang insidente ng kidnapping.

Nagtatag na aniya ang Philippine National Police (PNP) ng isang Special Investigation Task Force upang masusing imbestigahan ang nasabing insidente.

Facebook Comments