PBBM, hindi kumbinsido sa pagkatao ni Li Duan Wang kaya ibinasura ang hiling na Philippine citizenship

Hindi kumbinsido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagkatao ng Chinese National na si Li Duan Wang kaya ibinasura nito ang kaniyang Philippine citizenship.

Sa veto message ng pangulo, nakasaad na hindi maaaring balewalain ang mga babala mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan hinggil sa karakter at impluwensya ni Li Duan Wang na maaaring magdulot ng masamang epekto sa bansa.

Giit ng pangulo, ang pagbibigay ng Filipino citizenship ay isang pribilehiyo at hindi dapat ipagkaloob nang basta-basta, lalo na kung may mga kaduda-dudang intensyon sa likod nito.

Hindi lamang aniya ito tungkol sa pagbibigay ng mga legal na karapatan, kundi pagbubukas din ng karangalan ng ating kasaysayan, kultura, at pamana.

Samantala, mensahe naman ng Palasyo sa mga senador na pumabor sa naturalization ni Li Duan Wang, hindi bingi si Pangulong Marcos para dinggin ang nakukuhang impormasyon hinggil sa Chinese national.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung majority man aniya rito ang pumabor sa Kongreso, hindi pa rin kumbinsido ang pangulo.

Facebook Comments