Pinag-iipon ng tubig ng Pamana Water Corporation-Dagupan City ang mga residente sa Bacayao Sur, Caranglaan, Mayombo at karatig na lugar dahil sa posibilidad na maantala ang operasyon ng Bacayao Sur Pumping Station bunsod ng patuloy na pagtaas ng tubig.
Sa advisory na inilabas ngayong Agosto 11, sinabi ng water concessionaire na maaaring maabot ng tumataas na tubig ang electrical equipment at iba pang pump equipment, na maaaring magresulta sa paghinto ng operasyon ng pumping station.
Giit ng kumoanya, kailangan umanong mag-ipon ng mga residente ng sapat na tubig habang operational pa ang pumping station.
Inirerekomenda ang paggamit ng malilinis at may takip na lalagyan gaya ng timba, drum at batya.
Wala pang itinakdang oras kung kailan posibleng ihinto ang operasyon ng pumping station. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











