TUPAD BENEFICIARIES, NAGLINIS SA MGA PAARALAN SA ALAMINOS CITY

Naging katuwang sa paglilinis ng mga paaralan ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Alaminos City.

Batay sa ulat, kabilang sa nilinis at inayos ng mga benepisyaryo ang Telbang National High School, Alaminos Central Elementary School, at Alaminos City National High School.

Alinsunod umano ito sa TUPAD Convergence Program ng DOLE-Western Pangasinan Field Office at DepEd.

Minonitor naman ng Public Employment Service Office (PESO) at DOLE ang aktuwal na progreso at kalagayan ng mga benepisyaryo para sa pagpapatupad ng programa.

Katuwang sa programa ang Lokal na Pamahalaan ng Alaminos City sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan C. Celeste, na naglalayong makatulong sa mga manggagawa habang napapakinabangan din ng komunidad ang kanilang serbisyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments