Sinuri ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ngayong Agosto 11 ang Perez Boulevard hanggang Rizal Street para tugunan ang problema sa pagbaha sa ilang kalapit na lugar.
Batay sa ulat, nakipag-ugnayan na umano ang LGU sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pumping station na mag-aalis ng tubig baha.
Kasabay nito, patuloy na sinusuri ng City Engineering Office ang mga kalsada at daluyan ng tubig sa iba’t ibang bahagi ng lungsod
Kasalukuyan pang tinutukoy ang mga lugar na nangangailangan ng agarang intervention para mabawasan ang epekto ng pagbaha sa mga residente at motorista, lalo na sa mga lugar na madaling bahain. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











