Pamilya ni Cherie Gil, kinumpirma na endometrial cancer ang ikinamatay ng aktres

94

Kinumpirma ng pamilya ng beteranang aktres na si Cherie Gil na pumanaw ito dahil sa rare form ng endometrial cancer.t

Sa Instagram post ng kaniyang anak na si Raphael Rogoff, sinabi nito na pinili ni Cherie na itago sa publiko ang kaniyang karamdaman nang ma-diagnose siya noong October 2021.

Ibinahagi rin nito na kapiling ng beteranang aktres ang kaniyang mga mahal sa buhay ilang araw bago ito pumanaw.


Nagpasalamat din sila sa lahat ng nagbuhos ng pagmamahal at suporta sa kanila at sa namayapang aktres.

Hiniling naman nito sa lahat ng may mga larawan, video, mensahe, at alaala kasama ang aktres na ipadala ito sa kanila para matingnan ng pamilya nang pribado ayon na rin sa kagustuhan ni Cherie.

Facebook Comments