Pamilyang Nolasco, Protektor umano ng NPA- JPE

58
Cauayan City, Isabela- Inakusahan ni dating Senador Juan Ponce Enrile na cuddler o protektor di umano si dating Cagayan 1st District Cong. Ramon Nolasco ng mga komunistang grupo.
Sa panayam ng iFM Cauayan sa dating Senador, isisiwalat umano niya sa darating na eleksyon ang ilang dokumento na nagpapatunay ng ugnayan ng dating kongresista sa mga rebelde.
Hanggang ngayon aniya ay protektado pa umano ng dating opisyal ang ilang lider ng komunistang grupo sa Cagayan.

Para kay Enrile, hindi umano naging tapat sa taumbayan si Nolasco matapos ang pagkakaugnay sa mga komunistang grupo.
Samantala, naging bahagi umano ang dating kongresista sa umano’y pagbuwag sa Enrile Dynasty sa Cagayan.
Facebook Comments