Pampanga Congressman at Dating Pangulong Gloria Arroyo, Iniluklok bilang Bagong House Speaker!

118

*Cauayan City, Isabela- *Iniluklok bilang bagong house Speaker si dating Pangulo at Pampanga Congressman Gloria Macapagal Arroyo sa naganap na State of the Nation address (SONA) ni Pangulong Duterte.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Congressman Randolf Ting ng 3rd District ng Cagayan, naantala ng mahigit isang oras ang SONA ni Pangulong Duterte na sana’y alas kwatro ng hapon dahil nagkaroon muna ng pag-uusap ang Pangulo kay Arroyo at dating house Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Cagayan Congressman Ting, isa rin umano siya sa isangdaan at walumput apat na mga mambabatas ang bumoto upang palitan si dating House Speaker Alvarez.

Ito ay dahil umano sa pakikitungo ni Alvarez sa kongreso kung saan ayaw umano nilang magkabanggaan ang senado at ang kongreso.

Samantala, nakatakdang magkaroon ng Session ngayon ang mga kongresista upang ipagpatuloy ang naantalang session nila kahapon sa SONA ng Pangulo.

Facebook Comments