PNP, bantay-sarado ang mga evacuation center kung saan inilikas ang mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Kasabay ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon, nagsagawa ang Philippine National Police (PNP) katuwang ang mga lokal na pamahalaan at disaster response teams ng pre-emptive evacuation sa mga residenteng nasa loob ng 6-kilometer danger zone.

Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, mahigit 9,000 katao na ang nailikas mula sa mga bayan ng La Castellana, La Carlota, Bago, at Canlaon City, kung saan mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng 366 PNP personnel sa lugar at 90 sa mga ito ay naka-deploy sa mga evacuation centers para tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng mga evacuee.

Nagsagawa rin ng inspeksyon ang PNP kasama ang local government units (LGUs) sa mga evacuation centers para tiyakin na may sapat na tubig at pangangailangan ang mga bawkit.

Tiniyak din ng Pambansang Pulisya ang kahandaang magbigay ng agarang tulong habang patuloy ang banta mula sa Bulkang Kanlaon na kasalukuyang nakataas sa Alert Level 3.

Facebook Comments