Panelo, hindi makikisawsaw sa planong pagpapa-impeach ni Speaker Alvarez kay Chief Justice Sereno

145

Manila, Philippines – Ayaw makialam ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ipai-impeach niya si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa pag-impluwensiya umano sa mga justices ng Court of Appeals sa kaso ng Ilocos 6.

Ayon kay Panelo, ang Ehekutibo ay isang hiwalay na sangay ng Gobyerno sa Lehislatura at sa Hudikatura kaya hahayaan nalang nila ang legislatura o ang kamara sa pamumuno ni Speaker Alvarez na resolbahin ang isyu.

Magmamatiyag lang aniya ang Malacañang sa usapin at hindi na magbibigay ng anumang kumento bilang pagrespeto sa kongreso at sa hudikatura.


Facebook Comments